Ginagalang ng PNP ang opinyon ng ilang sektor na nananawagang ipagpatuloy ng international Criminal Court ang imbestigasyon sa drug war ng pamahalaan.
Sa isang statement, sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Roderick Augustus Alba na sa kabila ng pagpapatigil ng ICC ng kanilang imbestigasyon, ay tuloy parin naman ang imbestigasyong ginagawa ng Department of Justice (DOJ) kaugnay nito.
Sinabi ni Col. Alba na buo ang tiwala ng PNP sa DOJ sa kanilang pagrebisa ng mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga na hinawakan ng PNP.
Maalala na boluntaryong nag-turn over ang PNP sa DOJ ng 53 case folders ng mga police Anti-drug Operations kung saan may mga nasawi, para ma-review.
Ayon kay Col. Alba, inaasahang isasapubliko ng DOJ ang kanilang findings kapag matapos na ang imbestigasyon.
“Let us remember that it was the decision of the ICC to suspend the probe granting the deferral request of the Philippine government. It might have halted at the ICC, but the investigation continues here through the DOJ. The PNP gives its full trust to the DOJ’s handling of the drug cases. The justice department is expected to come up with their findings and recommendation as an offshoot of their probe,” pahayag ni Col. Alba.