-- Advertisements --

Nasa kabuuang 212 na mga kaso ng pagkasawi nang dahil sa pagkalunod ang naitala ng Philippine National Police sa bansa sa unang bahagi ng taong 2024.

Sa datos ng pulisya, mula Enero hanggang Marso 28 ng kasalukuyang taon ay umabot na sa 223 na insidente ng pagkalunod ang kanilang naitala sa bansa.

Mula sa naturang bilang, bukod sa mahigit 200 nasawi ay nasa walo katao ang naitalang injured, habang tatlo naman ang unharmed.

Ayon sa PNP, 82 insidente ng pagkalunod ang naitala sa mga ilog, habang 20 naman sa mga beach at karamihan sa mga biktima nito ay mga edad na limang taong gulang hanggang 63 taong gulang.

Nangunguna sa talaan ng Pambansang Pulisya sa lugar na may pinakamaraming ulat na may nasawi nang dahil sa pagkalunod ay ang Western Visayas, sinundan ng Calabarzon, atska ng Central Luzon.

SAmantala, patuloy naman na pinapalalahanan ang publiko na mag-ingat, gayundin sa mga magulang na palkaging bantayan ang kanilang anak tuwing nay summer outing upang maiwasan ang anjmang uri ng aksidenteng pagkakalunod.