-- Advertisements --
PNP CHIEF ACORDA

Umabot na sa 15 validated election-related crimes ang naitala ng Philippine Nationals Police, 13 araw bago ang gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30, 2023.

Ito ay matapos na makapagtala ng 85 mga insidente ang kapulisan sa loob ng election period para sa naturang halalan.

Ayon kay PNP Chief PGEN Benjamin Acorda Jr., ang 15 insidenteng may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon ay kinabibilangan ng 11 pamamaril, 2 kidnapping, 1 grave threat, at 1 indiscriminate firing.

Habang nabiktima naman ng mga ito ay anim na incumbent barangay captains, 1 incumbent barangay councilor, 2 kandidato sa pagka-barangay captain, 4 kamag-anak ng kandidato, 1 tagasuporta ng kandidato, at 4 sibilyan.

Samantala, sa kabila nito ay patuloy namang tinitiyak ni Acorda na puspusan ang ginagawang pagsusumikap ng PNP upang masigurong magiging mapayapa ang idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa buong Pilipinas.