Ipinag-utos ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa pagpatay sa abogadong si Atty. Juan Gammad Macababbad ng South Cotabato.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, kaisa sila ng legal community sa pagkondena sa walang habas na pamamaslang sa hanay ng mga abogado sa bansa.
Dahil dito, inatasan ni Eleazar ang Regional Police Office ng PNP sa SOCCSKSARGEN na tutukan ang kaso at tugisin kung sino man ang nasa likod ng krimen.
Miyerkules nang pagbabarilin ng tatlong hindi pa tukoy na mga salarin na sakay ng motorsiklo si Atty. Macababbad sa harap mismo ng tahanan nito sa Brgy. Libertad sa Surallah.
Nagpapatuloy aniya ang ikinasang pursuit operations ng lokal na pulisya para tugisin ang mga salarin at alamin ang motibo ng pagpatay.