-- Advertisements --
Ipinaliwanag ng Philippine National Police (PNP) ang criteria nito upang ikonsidera na nalutas na ang isang criminal case.
Ito ay kasunod ng natanggap nilang kritisismo mula sa mga netizens dahil sa pagdedeklara na nalutas na nila ang kaso ang umano’y rape-slay case ng flight attendant na si Christine Dacera.
Saad ng PNP, nagiging “solved” ang isang kaso kapag kumpleto ang mga elementong ito:
- Nakilala na kung sino ang suspek
- Mayroong sapat na ebidensya upang kasuhan ito
- Nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek
- at kapag kinasuhan na ang suspek sa prosecutor’s office o korte
Ayon sa PNP, lahat ng nabanggit ay kumpleto sa naturang kaso ni Dacera.
Ang 23-anyos na flight attendant ay natagpuang patay sa isang hotel room sa Makati City noong Bagong Taon.
Tatlong suspek na ang inaresto habang ang siyam naman ay hinahanap pa ng mga otoridad.