Muling nagpatupad ng rigodon ang Philippine National Police (NCRPO) partikular sa liderato ng NCRPO at minor revamp sa Camp Crame-based units.
Pirmado ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang panibagong balasahan.
Itinalaga si Police Brigadier General Florencio Ortilla bilang deputy regional director for operations ang ikatlong pinakamataas na pwesto sa NCRPO.
Habang si Police Colonel Rommel Bernardo Cabagnot ang acting chief ng Regional Staff ng NCRPO, epektibo noong August 24.
May dalawang bagong opisyal naman ang DIPO-Northern Luzon, ito ay sina PBGen. Oliver Enmodias bilang deputy director at Police Colonel Arthur Cabalona bilang acting executive officer ng Directorate for Integrated Police Operations , epektibo bukas August 27.
Una nang nabigyan ng promosyon sina Police Major General Ferdinand Divina bilang Director for intelligence at Police Major General Marne Marcos Jr, bilang director for comptrollership.
Habang ang iba pang opisyal na nilipat sa ibang pwesto ay ang mga sumusunod:
PCol. Allan Nobleza mula sa NCRPO ma-assign ito sa HPG
PCol. Rolly Octavio mula PRO12 mapunta sa NCRPO
PCol. Eduardo Abaday mula sa DI mapunta sa PCADG
PCol. Ulysses Cruz mula PCADG ma-assign sa DIPO,SL
PCol. Francisco Dungo Jr mula sa PRO1 malipat sa LSS
PCol. Reynaldo Padulla mula LSS madestino sa DIPO,VIS