-- Advertisements --

Muling nagpatupad ng balasahan ang pamunuan ng Phil National Police (PNP).

Tatlong matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya ang apektado sa reshuffle.

Si dating Police Regional Office 5 Director PBGen. Jonnel Estomo ay itinalaga bilang bagong deputy director for PNP Logistics.

Pinalitan naman siya sa Bicol region ni PBGen. Mario Reyes na sa dating director ng Logistics Support Services (LSS).

Habang si dating Logistics Deputy Director PBGen. Lorenzo Detran Jr naman ang itinalaga bilang director ng LSS.

Epektibo ang balasahan nitong Sabado, April 23 at ngayong araw ang nakatakdang turn-over ceremony.

Habang si

Samantala, kinumpirma naman ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na kanila ng sinimulan ang re-assignment ng kanilang mga personnel na may mga kamag anak na kandidato sa May 9,2022 election.