Nakasalang ngayon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ni DILG Sec. Benhur Abalos sa budget briefing and deliberation na pinangunahan ng House Comittee on Appropriations.
Nasa mahigit P251,184,514 ang proposed budget ng DILG para sa 2023 mas mataas ito kumpara sa 2022 budget na nasa mahigit P249-Billion
Sa nasabing budget 10 ahensiya ang paghahatian sa nasabing budget.
Ang PNP ang siyang may pinaka mataas na pondo na mabibigyan na nasa mahigit P191,496,160.
Batay sa budget proposal mahigit isang bilyon ang nadagdagan sa budget ng PNP para sa 2023 kumpara ng kasalukuyang taon na budget na nasa mahigit P190,649,897.
Sumunod ang BFP na mayruong P26,772,363 pangatlo ang BJMP na may budget na P22,330,853.
Habang ang Office of the Secretary ay mayruong budget na P6,786,310 bumaba kumpara sa 2022 na budget na nasa P7,267,071 .
Samantala, tiniyak naman ni Abalos na ang pondo na ibibigay sa kanilang ahensiya ay gagamitin nila ito ‘wisely and judiciously’ para makamit ang thrusts and priorities lalo na sa pag-enhance sa capacities ng LGU sa pagbibigay serbisyo publiko, palakasin ang socio-economic shocks at impacts ng Covid-19 pandemic at para ma-institutionalize ang LGU preparedness and resilience to disasters at pag manage sa mga nararanasang krisis.
Siniguro naman ni Abalos, sa house members na ipagpapatuloy ng ahensiya na maging efficient and effective sa pagpapatupad ng reporma at initiatives.