-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na mayroong 16 election-related violent incidents ang validated na naitala sa bansa isang araw bago ang May 9 elections.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ang bagong naidagdag sa mga election related incident ay ang nangyaring shooting incident sa Magsingal, Ilocos Sur noong umaga ng Sabado sangkot ang mga supporters ng rival mayoral candidates kung saan apat na katao ang naitalang namatay at apat ang sugatan.

Batay sa reports mula sa regional director of Police Regional Office 1, Police Brigadier General Westrimundo Obinque, sinimulan na ang masinsinang imbestigasyon at pag-aresto sa mga sangkot sa nangyaring pamamaril.

Bagamat, isolated case ang nanngyaring election-related violent incident sa lugar dahil nananatili aniyang mapayapa at maayos ang sitwasyon sa kalakhang probinsiya ng Ilocos Sur at ilocos-Pangasinan region.

Sa kabuuan, ayon kay Fajardo nasa 63 na ang naitalang insidente mula Enero 9 hanggang Mayo 9.

Sa naturang bilang, nasa 41 ang natukoy na non-election related incidents habang nasa 6 naman ang suspected election-related.

Liban pa dito, nasa mahigit 3,000 indibidwal ang naaresto at 2,459 firearms ang nakumpiska bunsod ng nagpapatuloy na election gun ban.