-- Advertisements --

Suspendido ang lahat ng permit to carry firearms outside the residence sa buong Mindanao.

Ang pagbabawal sa pagdadala ng armas sa labas ng tahanan ay bahagi ng pagapatupad ng martial law sa nasabing rehiyon kasunod ng kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay PNP spokesman Csupt Dionardo Carlos, ang kautusan ay mula kay PNP chief Ronald Dela Rosa sa pamamagitan ng isang memorandum na inilabas ni TDO Director Camilo Cascolan

Sa naturang kautusan, inaatasan ang lahat ng PNP directorial staff, regional at provincial directorates,
DNSU at support units na ipatupad ang naturang suspensyon.

Sa pagpapairal ng suspensyon, tanging mga pulis at sundalo na on-duty, mga otorisadong personnel at ahente ng gobyerno ang maaring magdala ng armas sa labas ng tahanan sa buong Mindanao habang umiiral ang martial law.