Ipinauubaya ni Eleazar sa NCRPO ang pagtutok sa nangyaring engkuwentro kahapon sa South Luzon Expressway sa bahagi ng Calamba, Laguna.
Ito’y makaraang makaputukan ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division – Anti Carnapping Unit ng NCRPO ang dalawang hinihinalang miyembro ng kidnap for ransom group na sakay ng isang kulay puting van.
Nakilala ang dalawang napatay na suspek na sina George Laparan alyas Sarge at Raquel Cayetano alyas Totie kung saan, nakuha sa mga ito ang isang badge ng PNP at ID.
Dahil dito nagtakda na ng motu propio investigation ang PNP Internal Affairs Service (IAS) upang alamin kung tunay bang pulis ang isa sa mga napatay.
Nakuha rin sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang kalibre .40 baril, samu’t saring personal na kagamitan at perang may nakasulat sa wikang Chinese na ang ibig sabihin ay OKADA na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon.










