-- Advertisements --

Nadagdagan ng isa ang Covid-19 fatality sa hanay ng Pambansang Pulisya kung saan sumampa na ito sa 38.

Ayon kay PNP deputy chief for administration, Lt. Gen. Guillermo Eleazar na ang latest fatality ay isang 46-year-old police officer na naka-assigned sa PNP-Drug Enforcement Group (DEG), na namatay nuong Miyerkules dahil sa acute respiratory distress secondary to Covid-19 infection.

Sinabi ni Eleazar na as of Wednesday, ang total active cases sa PNP tumaas sa 2,349 matapo maiulat ang 239 bagong cases.

Sa ngayon nasa 15,105 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa pambansang pulisya.

Sa total active infections, 2,285 ang isolated sa PNP facilities, ang iba sa mga local government units habang 65 ang confined sa mga hospitals.

Nasa 146 police officers naka rekober sa sakit kung pumalo na sa 12,718 ang total number ng mga recovered police personnel.

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng Covid-19 cases sa PNP, siniguro ni Eleazar na palalakasin pa nila ang kanilang contingey measures.