-- Advertisements --

Patuloy ang pagtaas ng Coronavirus Disease (COVID)-19 cases sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service, pumalo na sa 19,536 ang kabuuang tinamaan ng COVID-19 sa PNP kung saan 2,065 rito ang active cases.

Sa nasabing bilang ng aktibong kasi, 81 ang nasa ospital habang 1,984 ang nasa isolation facilities.

Sa ngayon, nasa 17,148 na ang nakarekober sa nakamamatay na virus.

Ayon kay PNP-Administrative Support on COVID-19 Task Force Commander, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, as of April 24 ngayong taon ay nakapagtala ang Health Service ng 141 dagdag na bagong COVID cases.

Nakapagtala rin ang PNP ng 128 recoveries at isa ang namatay.

Sinabi ni Eleazar, isang 54-anyos na police commissioned officer ang nasawi kahapon na naka-assign sa PNP National Support Units.