-- Advertisements --

Napanatili ng Philippine National Police (PNP) ang mababang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Sa datos ng PNP Health Service, mula 777 kahapon ay bumaba ito ngayon sa 714 ang mga personnel na infected ng COVID-19 virus.

Bunsod na rin ito ng patuloy na pagtaas ng mga gumagaling sa sakit na umabot na ngayon sa 40,838.

Ito ay matapos madagdagan ng 97 new recoveries.

Habang umabot na sa 41,675 ang kabuuang bilang ng mga pulis na dinapuan ng nakamamatay na virus dahil sa naitalang 34 new cases.

Nananatili naman sa 123 ang mga binawian ng buhay sa PNP dahil sa COVID-19.