-- Advertisements --
image 101

Pinulong ng Philippine National Police Crime Investigation and Detection Group ang pamilya ng 34 na mga nawawalang sabungero.

Ito ay kasunod pa rin ng mga panibagong development na nakuha ng pulisya hinggil sa naturang kaso.

Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang naturang hanay ng kapulisan hinggil sa mga impormasyong napag-usapan sa nasabing pagtitipon dahil pa rin sa seguridad at kaligtasan ng pamilya ng mga nawawalang sabungero at maging sa mga otoridad na may hawak sa nasabing kaso.

Kung maaalala, una rito ay magkatuwang na nagsagawa na rin ng pagpupulong ang Department of Justice at Philippine National Police ang pamilya ng missing sabungeros upang bigyan ang mga ito ng update tungkol sa gumugulong na kaso nito at gayundin ang pagbibigay ng katiyakan sa kanila na hindi titigil ang mga otoridad hanggang sa hindi natatapos ang imbestigasyon sa nasabing krimen.