-- Advertisements --

Dumalo din si PNP Chief PGen. Dionardo Carlos sa Duterte Legacy Caravan sa People Power Monument sa Edsa Quezon City, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng paggawa kahapon.

Ang pagtitipon ay May temang “Pagkakaisa ng Mamamayan at Pamahalaan Tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran”.

Sa kanyang mensahe, nagbigay pugay si Gen. Carlos sa lahat ng dakilang manggagawang Pilipino.

Nagpasalamat din si Gen. Carlos sa Pangulong Duterte sa “kanyang mga makabuluhang adhikain at platapormang pang-kapayapaan, pang-ekonomiya, pang-medikal, at pang-lipunan para sa kapakanan at kabutihan ng bawat mamamayang Pilipino.”

Tiniyak din ni PNP chief sa Pangulo at sa sambayanan Pilipino na bilang bahagi ng Duterte Legacy, ay mananatiling tapat ang PNP sa pagsulong ng mga programa na may kinalaman sa kampanya kontra ilegal na droga, kriminalidad, violent extremism, lawlessness, terorismo, at Covid-19.

Ang Duterte Legacy Caravan ay selebrasyon ng lahat ng mga “achievements” ng Duterte Administration na nakapaghatid ng tunay na pagbabago sa buhay ng mamayang Pilipino.