-- Advertisements --
AZURIN 1024x576 1

Pinatitiyak ngayon ni philippine national police chief pgen rodolfo azurin jr. na mayroong “preventive measures” na ipinatutupad sa mga pagsasanay at trabaho ng mga pulis sa bansa.

Ito ay upang masiguro ang seguridad at kaligtasan ng mga police personnel sa oras ng kanilang trabaho.

Ipinahayag ito ni azurin sa kaniyang naging command visit sa police regional office 10 kasunod ng kamakailan lang na naganap na vehicular accident sa brgy. naputi, naawan, misamis oriental kung saan pinulong niya ang mga opisyal nito na kinabibilangan nina director for human resources and doctrine development police major general jon arnaldo, at national police training institute director police major general ritchie medardo posadas.

Sa kanyang pagbisita ay pina-review niya ang mga umiiral na “safety protocols” para sa mga nagsasanay at naka-duty na mga pulis upang matukoy ang mga “potential hazards” na posibleng ma-encounter ng mga ito.

Layon nito na maihanda ang mga police personnel at makapagsagawa ang mga ito ng kaukulang paghahanda at pag-iingat upang maiwasan at hindi na muling maulit pa naturang insidente.

Kung maaalala, nitong sabado lang ay nasawi sa isang vehicular accident ang pitong active police personnel, isang retired policeman, at isang sibilyan, habang sugatan naman ang nasa 28 mga pulis na kasama rin sa naturang aksidente.