-- Advertisements --
PNP chief azurin

Personal na nakipagpulong si Philippine National Police (PNP) chief Rodolfo Azurin Jr. sa kaniyang mga counterpart sa Indonesia at Singapore hinggil sa “common security issues” na kinakaharap ng bansa.

Kasabay ito ng naging state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naturang mga bansa.

Sa isang pahayag ay sinabi ng PNP chief na kabilang sa kanilang tinalakay kasama sina Police General Listyo Sigit Prabowo, ang Chief of Indonesian National Police, at Hoong Wee Teck ng Singapore Police Force ang pagresponde sa pandemic at post-pandemic scenario.

Napag-usapan din aniya nila ang transnational crime tulad ng drug trafficking, commercial fraud, trafficiking in persons, counterfeiting, IPR violations, cybercrime, at terrorismo.

Samantala, bukod dito ay napagkasunduan din nila na talakayin muli ang nasabing mga usapin kasama ang iba pang kapulisan sa susundo na ASEANOPOL conference.