Nagbabala si PNP chief police Director General Ronald dela Rosa sa mga miyembro ng Kadamay na huwag nilang abusuhin ang kabaitan ng gobyerno at baka mapuno ito ng salot.

Ito ay kasunod sa ginawang pang-aagaw ng mga ito ng pabahay sa Bulacan.

Ayon kay De La Rosa, hindi nila dapat inaabuso ang kabaitan na ipinakita sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paglilinaw ng hepe ng Pambansang Pulisya, hindi naman ito literal na gagawin ng pangulo ngunit paraan niya ito upang maiparating ang matinding babala sa mga miyembro ng Kadamay dahil sa simula pa lamang ay mali at labag sa batas ang kanilang pang aagaw ng pabahay sa Pandi, Bulacan.

Una rito ay ilang beses nang nagtangka ang Kadamay na mang-aagaw pa ng ibang pabahay na nakatiwangwang sa ngayon.