Hinikayat ni PNP (Philippine National Police) Chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang publiko na magsuot pa rin ng face shield bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kagabi, inanunsyo ni Pangulong Duterte ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa loob at labas ng tahanan o mga gusali matapos matuklasan ng Department of Health (DOH) ang pagdami ng kaso ng Delta variant, ang unang variant na napaulat sa India at pinaniniwalaang mas mabilis makahawa.
Sana niya ay igalang ang direktiba ng ating Pangulo tungkol sa pagsusuot ng face shields na para sa kaligtasan ng lahat dahil hindi biro ang Delta variant.
Sa ngayon, nakapagtala na ang DOH ng 17 kaso ng Delta variant ng Coronavirus Disease (COVID) sa buong Pilipinas.
Nagpaalala rin naman si Eleazar sa mga pulis na dapat sumunod din sila sa pagsusuot ng face shield, gayundin ang ipatupad pa rin ang maximum tolerance at iwasang magpataw ng parusa sa mga mahuhuli nilang hindi nakasuot ng face shield.
“Ang instruction ko lang sa mga kapulisan natin sumunod din sa ating patakaran dahil anong magiging kredibilidad natin niyan sa panghuhuli kung tayo mismo ay hindi sinusunod ito,” wika ni Eleazar.