-- Advertisements --
PNP CHIEF POLICE GENERAL RODOLFO AZURIN JR.

Ibinida ni PNP chief, PGen, Rodolfo Azurin Jr. na walang naitalang casualties ang pulisya sa kanilang mga naging operasyon laban sa illegal na droga.

Sa gitna ito ng patuloy na kampanya ng buong hanay ng kapulisan kontra ilegal na droga.

Sa isang pahayag ay iniulat ni General Azurin na mula noong Setyembre 1 hanggang 17 ay walang naging casualties sa 1,790 na mga operasyong kanilang isinagawa kung saan nila naaresto ang nasa 1, 952 na mga drug offenders at high-value suspects.

Dito ay nasabat nila ang 67.8 kilos ng shabi, 194 kilos ng marijuana products, at 701,000 na tanim ng marijuana na tinataya namang may katumbas na street value na Php 625.1 million.

Kung maaalala una nang iginiit ni PNP chief Azurin na kinakailangang ipatupad ng pulisya ang batas alinsunod sa tamang procedure o proseso dahil mahirap naman daw kung ang mindset ng kapulisan ay kailangang palaging may nasasawing buhay sa tuwing nagsasagawa sila ng ganitong klase ng mga operasyon.