Agad bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Police Regional Office 10 (PRO-10) matapos ang nangyaring sniper attack kagabi na ikinasugat ng tatlong indibidwal na naganap sa Sitio Pulao, Bgy.VII, Tangub city, Misamis Occidental.
Ayon kay PRO-10 spokesperson Lt.Col. Michelle Olaivar, nagsasagawa ngayon ng case conference ang binuong SITG para imbestigahan ang punot dulo ng pag-atake at para mabatid kung ano ang motibo sa insidente.
Sa ngayon hindi pa masabi ng PNP sa region 10 kung may kaugnayan sa pulitika ang insidente.
Nagkakaroon ng Christmas party sina Congressman Henry Oaminal, Lopez Jaena Mayor Michael Gutierrez at Jason Almone nang paputukan sila sniper fire ng suspek.
Tinamaan ng bala sa likod ng ulo si Gutierrez habang si Oaminal at Almonte naman ay natalsikan ng mga basag na salamin.
Agad na naisugod ang mga biktima sa Misamis University Medical Center.
Si Guiterrez ang nasa kritikal na kondisyon at sasailalim sa surgical operation habang sina Oaminal at Almonte ay nasa maayos ng kalagayan.
Naglatag na rin sila ng checkpoint ang mga pulis sa lugar para sa pagtugis sa mga salarin habang nagpapatuloy naman ang kanilang imbestigasyon.