-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan ng PNP ang talamak na online na bentahan ng uniporme ng kapulisan.

Dahil dito ay nagkaroon ng kasunduan ang PNP at mga online selling platform na dapat pagbawalan ang pagbebenta ng mga uniporme ng kapulisan.

Sinabi ni PNP PIO Chief Police BGen. Red Maranan, na wala silang pinapayagan na mga online seller na magbenta ng mga uniporme ng pulis.

Nakasaad kasi sa Article 170 ng revised Penal Code o RA 3815 ang mahigpit na pagbabawal ng uniporme ng kapulisan.