-- Advertisements --

NAGA CITY- Nagsama-sama ang pinag-isang pwersa ng Camarines Sur Police Provencial Office-CSPPO, Naga City Police Office -NCPO at Philippine Army isinagawang Indignation Rally sa Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay NCPO CIty Director PCol Felix Servita, sinabi nito na ginanap an nasambing rally upang kundinahin ang teroristic activities ng NPA lalo na ang nangyareng dalawang pananambang sa mga pulis at army ng mga rebldeng grupo.

Ayon dito wala naman umanong problema sa mga isinasagwang protest rally dahil bahagi ito ng freedom of expression.

Mahigpit aniyang kinukundina rito ang pagkakaroon ng pag-aaklas at mga armandong pakikibaka na idinadaan sa karahasan.

Samantala, naniniwala naman si Servita na maaring may mga myembro ng rebelde na hindi sumusunod sa kanilang Commander kung kaya may nangyayareng paglabag lalo na sa ipinatupad na ceasefire.