Pinarangalan ni Philippine Military Academy (PMA) ” Madasigon” class Valedictorian Cadet Warren Leonor ang dalawa nilang “mistah” na nasawi nuong 2019 na sina Darwin Dormitorio at Mario Telan Jr.
Sa valedictory address ni Leonor binanggit nito ang dalawang mistah sina Dormitorio at Telan na nuong pawang mga freshmen o plebo pa lamang sila.
Ayon kay Leonor ang pagkamatay ng dalawa nilang mistah ay sumubok sa kanilang klase na nagsanhi din ng pagkadurog sa kanilang katawan at spirit at kasagsagan din ito ng Covid-19 pandemic.
“You will forever be a cherished part of the Madasigon Class of 2023,” pahayag ni Leonor.
Kung maalala si Dormitorio ay nasawi nuong September 2019 matapos ma confine ng dalawang beses sa isa isang buwan na nagtamo ng mga pasa sa tiyan dahil sa patuloy na hazing.
Dahil dito, dalawang PMA cadets at tatlong doktor mula sa academy ang sinampahan ng kaso.
Matapos ang dalawang buwan na matapos pumanaw si Dormitorio, nakita namang patay si Telan sa PMA pool kasunod ng isang swimming class at batay sa ulat ng PNP nalunod ang biktima.