-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Kumpiyansa ang Philippine Military Academy (PMA) na hindi maaapektuhan ng nakaraang insidente ng umano’y hazing ang kanilang recruitment sa mga susunod na pagbubukas ng klase.

Ayon kay PMA spokesperson Maj. Reynan Afan, maituturing pa rin na isolated ang kaso ng pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio kaya wala silang nakikitang dahilan para maapektuhan ang cadet recruitment.

Tiniyak ng opisyal sa magulang ng mga magnanais maging kadete na maaalagaan at ligtas sa karahasan ang kanilang mga anak na makakapasok sa akademiya.

Katunayan, wala pa rin naman daw sa mga kadete ngayong batch ang bumibitiw sa kabila ng lumutang na kontrobersya.

Sa ngayon, hinimok ni Afan ang publiko na tutukan ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa kaso ni Dormitorio.