Hangad umano ng American TV presenter na si Ashley Graham na mapa-breastfeed nito ang kanyang 6 months old baby sa mas matagal na panahon.
Pahayag ito ng 32-year-old plus size model matapos mapabilib ang maraming mga mommy sa kanyang ipinost na maiksi ngunit malinaw na video habang nagpapasuso kay baby Isaac.
Narito ang ilan sa mga sagot ni Graham sa mga nagtanong na fans:
“He’s a master latcher!”
“You are amazing! I’m trying to figure out how long to go!”
Proud din si Graham kahit minsan ay gumagamit ng breast pump pero ito aniya ay kasabay ng pagsagot sa mga email kaugnay sa trabaho.
Kung maaalala, naging tampok si Ashley sa 2018 Miss Universe coronation sa Thailand kung saan kinoronahan ang Pinay bet na si Catriona Magnayon Gray, habang siya ay behind-the-scenes host. (OMG)