-- Advertisements --
Stranded ang buong team ng Portland Trail Blazers sa Oklahoma City matapos ang kanilang laro laban sa Thunder dahil pa rin sa nararanasang epekto ng matinding snow o arctic weather conditions.
Nagmamadali ang Blazers na makaalis ng Oklahoma sakay ng eroplano para humabol naman sa laro sana ngayong araw sa New Orleans laban sa Pelicans.
Maging ang mga players ng Oklahoma City Thunder na tinalo ng Blazers ay bigo ring makabiyahe upang harapin sana sa game ang Memphis Grizzlies.
Nagdesisyon ang Blazers na bukas na lamang aalis ng Oklahoma City.
Nagdesisyon na rin ang Memphis na walang papasukin na mga fans sa laro bukas dahil sa masamang lagay ng panahon dulot nang matinding pagyeyelo ng paligid.