-- Advertisements --

Nasa P9.17 billion ang pondong kakailanganin para sa plano ng gobyerno na maipatayo ang ikalawang San Juanico Bridge na magkokonekta sa isla ng Leyte at Samar ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay DPWH Eastern Visayas regional director Allan Borromeo, nakumpleto na ang initial feasibility study para sa naturang proposed project at naipasa na nito ang 10% economic internal rate of return na itinakda ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa pag-aaral na isinagawa ng DPWH at Japan International Cooperation Agency, ang proposed budget at gagamitin para sa pagpapatayo ng bridge superstructure, substructure, embankment, concrete girders at relocation ng power transmission lines.

Ang ipapatayong tulay ay may habang 1.24 kilometers na magkokonekta sa Babatngon, Leyte at Sta. Rita, Samar. Tatawid ito sa may Janbatas Channel, isang porsyon ng San Juanico Strait na naghihiwalay sa dalawang malalaking isla sa rehiyon.

Sa kasalukuyan ang 2.16 kilometer haba na San Juanico bridge na siyang itinuturing na longest bridge ng bansa ay pimary highway na nagdudugtong mula Luzon hanggang Mindanao.