-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Binawi na ng korte ang warrant of arrest sa mga idinawit na mga opisyal ng pulis na nagpatakbo ng Pulis Paluwagan Movement (PPM) na isang investment scheme na nag-o-operate noon sa kampo ng mga pulis sa General Santos City.

Ayon kay Atty. Nena Santos, legal counsel nina Police Col. Raul Supiter at iba pang mga pulis na humiling ng 10 araw sa prosecutors office para bigyan linaw ang muling pagpalabas ng warrant of arrest matapos ang hearing na ginawa.

Kinasuhan kasi ng administrative ni Atty. Santos ang prosecutors office sa lungsod dahil nabasura na umano ang kaso nina Col. Raul Supiter at mga kasamang akusado noong Agusto 10, 2020.

Dagdag ni Santos na sa 27 kinasuhan, anim lang ang may warrant habang ang iba ang absuwelto na.

Nag-inhibit umano ang prosecutors office sa lungsod kayat inilipat sa Cotabato ang kaso at matapos maresolba ibinalik dito sa lungsod.

Nangyari umano ang muling pagpalabas ng warrant of arrest ng na forward ang kaso sa korte na hinde nalagay ang mga pangalan nina Supiter kaya nagpalabas ng Warrant of Arrest si Judge Renato Tampac.