-- Advertisements --
bagyong paeng agricultural damage

Tumaas na sa P435.4 million ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Bunsod nito, apektado ngayong ang nasa 24,000 magsasaka sa karamihan ay sa mga nagtatanim ng palay.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro saklaw sa napinsala ang 16,200 ektarya ng pananim karamihan ay pananim na palay na nasa 15,000 ektarya.

Nangako naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na nakahanda sila sa pagbibigay ng tulong dahil mayroong P1.2 billion sa stockpiles at standby funds at mahigit P264 million na available quick response funds ang ahensiya.

Pinaghahanda na rin ang mga ahensiya para sa impact ng panibago nanamang tropical depression na tinawag na Queenie na pumaso na sa Philippine Area of Responsibility nitong umaga ng Lunes.