-- Advertisements --

Pasok na sa Paris Olympics si Pinoy weightlifter John Ceniza.

Nagtala ang 26-anyos na si Ceniza ng kabuuang 300 kgs sa 61 kgs. division sa ginanap na International Weightlifting Federation (IWF) World Cup sa Phuket, Thailand.

Nahigitan nito ang kaniyang personal record na 298 kgs. at nanatiling pasok siya sa Top 10 ranking athletes sa nasabing weight division.

Bumuhat din siya ng 132 kgs. sa snatch at 168 kgs. naman sa clean and jerk.

Noong 2019 at 2023 Southeast Asian Games ay nagwagi na ito ng silver medals pero hindi ito nakasama sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China noong nakaraang taon.