LAOAG CITY – Umabot na sa siyam na Pilipino ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Italya.

Sa report ni Bombo International Correspondent Demetrio Rafanan mula sa Rome, pitong Pilipino ang positibo na nasa hilagang bahagi ng Italy at dalawa naman sa Roma.

Aniya, ang lahat ng mga ito ay nasa pangangalaga ng mga ospital at kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang nararanasan nilang sintomas ng COVID-19.

Nalaman ito ni Rafanan sa binuong Overseas Filipino Worker (OFW) Watch sa iba’t ibang bahagi ng Italya kung saan nakatutok sila sa sitwasyon sa kanilang lugar.

Dagdag ni Rafanan na pati siya ay sinita ng mga pulis nang lumabas ito ng bahay at papunta sa kanyang trabaho ngunit nakapagprisinta naman ng mga kailangang dukomento.