-- Advertisements --

Nagwagi ng tatlong gintong medalya sa loob lamang ng isang araw si Pinoy karateka James De Los Santos.

Nakuha nito ang gintong medalya sa E-Karate Games 3, 2nd Euro Grand Prix at ROME International ENDAS Karate Cup.

Nahigitan nito ang mga pambato ng South Africa, Switzerland at United States.

Ito na rin ang ika 27th, 28th at 29th gold medals na kaniyang nakuha mula pa noong buwang Marso.

Sa bawat laro ay laging nakakapagtala ito ng 25 points habang ang kaniyang kalaban ay 24 points lamang ang pinakamataas na puntos na nakakamit.