-- Advertisements --
IMG20191210183646

NEW CLARK CITY, Capas, Tarlac – Sa loob ng dalawang araw na sunod-sunod na discipline sa decathlon, naidepensa ng Pinoy ang kanyang korona sa huling araw ng athletic event sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Tinapos ni Aries Bañez Toledo ang decathlon sa pamamagitan ng 7033 points.

Una rito, halos dinomina ni Toledo ang lahat ng discipline sa event.

Pumangalawa sa kanya ang Vietnamese na si Van Su Bui na may kabuuang score na 6199.

Bronze medalist naman si Janry Borigana Ubas na mayroong natipong 6769 points.

Ang decathlon ay kinabibilangan ng mga discipline na:

  • 100 meter dash
  • long jump
  • shot put
  • high jump
  • 800 meter
  • 110 meter hurdles
  • discuss throw
  • pole vault
  • 1,500 meter run
  • javelin throw

Kahapon nang isagawa ang unang limang event ng decathlon at lima naman ang isinagawa ngayong araw.