-- Advertisements --
Nababahala ang Pinoy boxer na si Vic Saludar sa laban nito sa Puerto Rico.
Idedepensa kasi Saludar ang kaniyang world minimumweight belt laban sa challenger na si Wilfredo Mendez sa darating na Agosto 24 sa Puerto Rico Convention Center.
Ayon sa kaniyang manager na si Kenneth Rontal, humiling na sila kay World Boxing Organization President Paco Valcarcel na magtalaga ng mga neutral na judges at neutral na referee.
Walang magiging problema sa laban ni Saludar dahil sa patuloy ang ensayong ginagawa.
Huling lumaban si Saludar noong Pebrero ng talunin ang Japanese boxer na si Masataka Taniguchi.
May record na 13-1 win-loss record si Mendez habang mayroong 19 na panalo at 3 talo naman si Saludar.