-- Advertisements --
Nabigo si Filipino boxer Rene Marck Cuarto na mabawi ang kaniyang IBF minimumweight title matapos patumbahin siya ni undefeated boxer Ginjiro Shigeoka.
Tatlong beses na napatumba ang Pinoy boxer kabilang ang dalawang beses sa decisive round hanggang tuluyang tapusin siya ng Japanese boxer sa 15 segundo sa laro na ginanap sa Yoyogi, Gym sa Japan.
Sa unang bahagi ng laban ay napatumba pa ng 26-anyos Pinoy boxer ang Japanese boxer gamit ang kaniyang right straight.
Subalit nakabangon ang 23-anyos na Japanese southpaw boxer at tuluyang makuha ang belt.
Mayroon ng siyam na panalo at wala pang talo na may pitong knockout si Shigeoka habang si Cuarto ay mayroong 21 panalo apat at apat na talo na mayroong 12 knockouts.