-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Binigyang pagkilala ng Police Regional Office (PRO)-13 si Genisis Lagumbay Libranza kasunod ng panalo sa undercard bout sa Pacquiao vs Thurman fight sa Las Vegas noong nakaaraang buwan.

Kasama ng Agusanon boxer ang kanyang anak at asawa sa pagtanggap ng award kanina.

Kung maaalala, tinalo ni Libranza ang Los Angeles-based na si Carlos Maldonado sa pamamagitan ng technical knockout sa ika-apat na round matapos dominahin ang unang rounds sa kanilang laban.

Matapos maibigay sa boksingero na taga-Barangay Kalibunan, Cabadbaran City sa Agusan del Norte ang plaque of recognition, ginawaran din siya ng cash gift at tactical flashlight.

Nagbigay naman si Libranza ng pares ng boxing gloves na may pirma niya bilang remembrance sa PRO-13.

Dahil sa tagumpay ay naitala nito ang kanyang bagong record na 19 wins, one loss at 11 knockouts.