-- Advertisements --

Pabalik na sa bansa si Filipino boxer Eumir Marcial para sa kaniyang paghahanda sa 31st SEA Games.

Kabilang kasi si Marcial sa Pinoy boxers na nasa Thailand na nagsimula na ang ensayo para sa SEA Games na gaganapin sa Mayo sa Hanoi, Vietnam.

Nagwagi kasi ng gold medal ang 27-anyos na si Marcial noong 2015,2017 at 2019 SEA Games.

Magugunitang nakuha ni Marcial ang unanimous decision panalo laban kay Isaiah Hart nitong weekend.

Marami ang humanga sa panalo ni Marcial dahil sa agad itong nakarecover mula sa tatlong pagkabagsak niya.