-- Advertisements --
Hindi pa rin makapaniwala si Pinoy boxer Eumir Marcial na pasok na ito sa 2024 Paris Olympics.
Nakapag-qualify ito sa Olympics matapos na patumbahin niya ang katunggaling si Ahmad Ghousoon ng Syria sa loob ng 1:49 sa second round ng 80kg. division sa nagpapatuloy na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Tiyak na rin ang silver medal niya sakaling mabigo sa finals laban kay Tanglatihan Tuohetaerbieke ng China.
Gaganapin ngayong araw ng Huwebes ang finals.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na makapaglaro sa Olympics si Marcial na makakasama sina EJ Obiena, Carlos Yulo at Aleah Finnegan.