-- Advertisements --

Ibinahagi ng tinaguriang Pinoy Aquaman na si Ingemar Macarine ang kaniyang karanasan sa pagtawid ng Lake Michigan.

Kabilang kasi ang 46-anyos na si
Macarine na sumali sa iSwim4Veterans event sa Lake Michigan na tinaguirang world’s most dangerous lakes.

Natapos nitong languyin ang lawa sa loob ng dalawang oras at 57 minuto na may layong mahigit tatlong milya.

Kuwento nito na naging hamon sa kaniya ang pagsalubong sa mga malalaking alon.

Si Macarine na isan public prosecutor ay nagsimula sa kaniyang open-swim journey noong 10 taon ang nakalipas.

Ginagawa niya ito dahil sa nais niyang ipromote ang healthy lifestyles.

Mahigit limang taon na itong hindi umiinom ng alak at natutulog siya ng mahigit 8 oras ganun din ang pag-ehersisyo niya araw-araw.