-- Advertisements --

Nakakuha ng tatlong medalya si Vanessa Sarno sa 2021 Asian Weightlifting Championship.

Dalawang gold medals at isang silver ang nakuha ng Tagbilaran City, Bohol native.

Dahil dito ay nagtapos ito bilang first overall sa women’s 71 kg. division sa torneo na ginanap sa Uzbekistan.

Pumangalawa sa kaniya si Gulnabat Kadyrova ng Turkmenistan na nanalo ng silver at Yekaterina Bykova ng Kazakhstan na nagwagi ng Bronze.

Mayroon ng kabuuang dalawang gold, anim na silvers at isang bronze ang kabuuang nakuha ng Pilipinas sa nasabing torneo.