-- Advertisements --
Pasok na sa US Open junor finals si Alexandra “Alex” Eala.
Ito ay matapos na talunin si number 9 seed Victoria Mboko ng Canada sa score na 6-1, 7-6(5) sa semifinal round.
Ito na ang pangalawang beses na nakatapak si Eala sa finals ng US Open juniors na ang una ay noong 2020.
Sa unang set ay walang kahirap-hirap ang 17-anyos na si Eala subalit pagdating ng ikalawang set ay nakabawi bahagya ang Canadian tennis player subalit sa huli ay nangibabaw si Eala.
Susunod na makakaharap nito si Czech No. 2 seed Lucie Havlickova sa finals.