-- Advertisements --

Kinilala ng House of Representative si Pinay tennis player Alex Eala matapos na magkampeon sa 2022 US Open juniors division singles title.

Ipinasa ng mga mambabatas ang House Resolution 362 na nagbibigay komendasyon sa 17-anyos na si Eala.

Siya ang unang Filipino tennis player na nagwagi ng Junior Grand Slam single title na ginanap sa New York noong nakaraang Linggo.

Nakasaad sa resolution na ang tagumpay ni Eala ay isang dapat na maipagmamalaki ng bansa.

Dahil sa nasabing panalo ay mahalaga na mabigyan siya ng pagkilala at komendasyon.

Nauna ng nagbigay ng komendasyon at pagkilala ang senado sa naging tagumpay ni Eala.