-- Advertisements --
Tumaas ang Womens Tennis Association (WTA) rankings ni Alex Eala ilang linggo bago ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Sa inilabas na ranking ng WTA ay nakakuha na ito ngayon ng career-high na 411.
Isa sa naging dahilan ng pagtaas ng kaniyang ranking ay ang tagumpay nito sa W25 Chang Rai, sa Thailand.
Noong nakaraang Agusto 2021 ay nasa ranked 505 ito.
Ang 16-anyos na si Eala ay ranked 576 ito noong Marso.
Magugunitang nakapasok sa quarterfinals si Eala sa second leg ng Chiang Rai title.