-- Advertisements --
aleah finnegan

Pasok na sa Paris Olympics ang Pinay gymnast na si Aleah Finnegan, matapos niyang maitala ang isa sa pinakamagandang record sa 2024 World Artistic Gymnastics World Championships sa Belgium.

Sa naging performance ni Finnegan, nagawa niyang makapasok sa top-5 sa pamamagitan ng score na 51.366 points

Dating naglalaro si Finnegan sa ilalim ng US women’s gymnastics team, ngunit mahigit isang taon na ang nakakalipas ay lumipat siya sa Pilipinas.

Sa nakalipas na Southeast Asian Games sa Vietnam, nagawa niyang makapag-uwi ng isang gold at dalawang bronze medals.

Maalalang nauna nang nakapasok sa 2024 Paris Olympics ang dalawang pinoy athletes na kinabibilangan nina Pinoy pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos Yulo.