-- Advertisements --
Binigyang pagkilala ng Senado si Filipina Figure skater Sofia Lexi Jacqueline Frank.
Kasunod ito sa pagkamit niya ng gintong medalya sa 2022 Asian Open Figure Skating Trophy sa Jakarta, Indonesia.
Pinangunahan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr ang pagpasa ng Senate Resolutioin 360 na pagkilala at pagpugay kay Frank dahil sa nakamit nitong tagumpay.
Sa nasabing torneo ay mayroong kabuuang 50.19 points si Frank sa Short Program Segment at 93.78 points naman sa Free Skating na may kabuuang 143.97 points sa Senior Women category.
Naging representative na ng bansa si Frank sa iba’t-ibang international figure skating competition gaya ng World Junior Figure Skating Championship at maraming iba pa.