-- Advertisements --

Nagwagi bilang best supporting actress ang Pinay na si Dolly De Leon sa Guldbaggen awards sa Sweden.

Ito ay dahil sa pagganap niya sa pelikulang “Triangle of Sadness”.

Ang nabanggit na pelikula din ay nagwagi bilang “Best Movie”, “Best Director” para kay Ruben Ostund, “Best Supporting actor” Ziatko Buric, “Best Costume Design” para kay Sophie Krunegaard at “Best Mask Design” para kay Stefanie Gredig.

Una ng nagwagi ang actress sa ilang award-winning bodies gaya ng Golden Globe, North Dakota Film Society Awards at Los Angeles Film Society Awards.

-- Advertisement --