-- Advertisements --

Isinisi ng pinatalsik na pangulo ng Sri Lanka na ang nararanasang COVID-19 pandemic sa kanilang bansa ang dahilan ng paglala ng krisis sa kanilang ekonomiya.

Ipinahayag ito ni ousted Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa sa kaniyang liham ng pagbibitiw na binasa sa buong parliamento ngayong araw.

Sa naturang liham ay iginiit ni Rajapaksa na ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya para sa bansa at isinisi sa nararanasang pandemya ang tuluyang pagbagsak nito na nagsanhi naman aniya ng ilang buwang pagpoprostesta na dahilan naman ng kaniyang pagtakas patungong ibang bansa.

Ngunit sa kabila aniya ng lahat ng ito ay magpapatuloy siya maglingkod sa kanilang bansa hanggang sa hinaharap.

Bagay na personal na kasiyahan daw para sa kaniya dahil nagagawa niyang maprotektahan ang dati niyang mga nasasakupan mula sa pandemya sa kabila ng krisis sa ekonomiyang hinaharap nito.

Samantala, sa naging pahayag na ito ni Rajapaksa ay hindi pa rin malinaw kung pahiwatig ba ito ng intensyon na manatili sa pulitika matapos ang pagpapatalsik.

Sa Miyekules nakatakdang ihalal ng Parliamet ang susunod na mamumuno sa Sri Lanka matapos ang panunumpa ni Prime Minister Ranil Wickremesinghe bilang pansamantalang kapalit ni Rajapaksa.