Magiging epektibo agad ang dalawang araw na pagpapalawig ng tigil putukan sa pagitan ng Hamas at Israel.
Ayon kay Mark Regev ang senior adviser ng prime ministers office sa Israel, na ang kasunduan ay kapwa sinang-ayunan ng panig ng Hamas at Israel.
Sa kada 10 bihag na mapapalaya ay handa umano ang Israel na mapalawig ng isang araw ang tigil putukan at kung pumayag ang Hamas na mapalaya ang mga Israeilis na bihag ay lalong mapapalawig ang tigil putukan.
Pinasalamatan nito si US President Joe Biden na siyang nag-ayos ng kondisyon sa nasabing tigil putukan.
Umaasa naman si US National Security Council spokesperson John Kirby na mapapalaya ang mga Americans na bihag ng Hamas.
Nananatili aniya silang nakabantay sa mga ginagawang pagpapalaya ng mga Hamas ng kanilang mga bihag.
Dahil sa nasabing ilang araw na tigil putukan ay sinamantala ng United Nations ang pagbibigay ng mga humanitarian aide para sa mga sibilyang naiipit sa kaguluhan.
Sinabi naman ng Qatar official na nangako ang Hamas na papalayin nila ang 20 mga babae at bat sa mga susunod na araw hindi naman ng araw matapos na mapalawig ang ceasefire.